^

Bansa

Tulfo sa DOTr, LTFRB: Wag i-delay fuel subsidy sa PUV drivers

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa gitna ng inaasahang pagtaas ng presyo ng diesel na aabot sa P5 per liter at P3.20 hanggang P3.80 per liter sa gasolina, iginiit ni Sen. Raffy Tulfo na hindi dapat maputol ang fuel subsidy ng mga drivers ng public utility vehicles.

Sinabi ni Tulfo, chairperson ng Senate Committee on Public Services, na dapat ituloy ang plano na palawigin ang fuel subsidies.

Nakipag-ugnayan na si Tulfo sa Department of Transportation (DOTr) at sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para tanungin kung anong plano nila para matiyak na wasto at walang delay sa distribusyon ng fuel subsidies sa mga apektadong sektor na sasalo at mabigat na tatamaan ng projected oil price hike.

Sinabi ni DOTr Assistant Secretary Michelle de Vera na  inatasan sila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama ng LTFRB, Department of Energy (DOE) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na ibahagi ang fuel subsidy kapag nangyari na ang pagtaas sa susunod na linggo.

Ang fuel subsidy program ay palalawigin para sa mga modern PUV operators and drivers, traditional jeepney drivers, bus drivers, grab drivers, tricycle drivers maging sa mga delivery riders.

Kinuwestiyon din ni Sen. Raffy si de Vera tungkol sa alloted P2.5 billion available na pondo para sa fuel subsidy program sa ilalim ng transport sector, sinabi ni de Vera na nag-isyu na ang DOE ng certification para payagan ang LTFRB para i-disburse ang pondo sa mga benepisyaryo.

Tinanong naman ni Sen. Tulfo si LTFRB Exe­cutive Director Loumer Bernabe sa anong paraan nila planong i-distribute ang fuel subsidies dahil may mga insidente noong mga nakaraang taon na delayed itong naipamahagi sa mga jeepney drivers at binigyang-diin ni Sen. Raffy na hindi na ito dapat maulit.

Ayon kay Bernabe, ang kanilang scheme of distribution ay sa pamamagitan ng Pantawid Pasada Cards / fuel cards, bank-to-bank transfer, pag-transfer sa E-wallet accounts.

Sa kabila ng mga nasabing plano, pinaalalahanan ni Sen. Tulfo ang DOTr at ang LTFRB na siguruhing may wastong guidelines para sa distribusyon ng fuel subsidy.

“Ito ay para masiguro na ang mga beneficia­ries ay mga tunay nga na PUV drivers/operators/ o delivery riders at walang palakasan system,” giit ni Tulfo.

“Ayokong marinig na mayroong nadehadong tsuper ng jeepney dito na dapat sana na ma­kinabang sa programa.”

PUV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with