P20/kilo ‘bigas for all’ target ni Pangulong Marcos
MANILA, Philippines —
Sa kaniyang speech kamakailan, inanunsyo ng Pangulo ang paglawig ng ekonomiya ng bansa sa 5.4 percent sa unang quarter ng 2025 - dahilan para mapasama ito bilang isa sa fastest-growing economies sa ASEAN region sa kabila ng mga pandaigdigang problema.
Kabilang sa nakitaan ng paglago ang sektor ng agrikultura, forestry, fishing, industry, at services.
Ayon sa Pangulo, kumpiyansa ang pamahalaan na makakamit ang 6 percent GDP growth target sa mga susunod na quarters.
Ayon kay Marcos, ang projection na ito ay kasunod ng pagpapatupad ng food security initiatives ng pamahalaan na ngayon ay fully operational na at layong mapagbuti ang agricultural productivity sa bansa at masiguro ang pagkakaroon ng stable na food supply para sa mga mamamayan.
Nangako rin ang Pangulo na palalawigin pa ang “Benteng Bigas Meron Na” initiative para makapagbigay ng de kalidad pero abot-kayang bigas sa pamamagitan ng Kadiwa ng Pangulo outlets.
Sa ngayon ay nabibili ang P20 per kilo na halaga ng bigas sa mga Kadiwa ng Pangulo shops para sa mga napapabilang sa vulnerable group, kabilang ang mga indigent, senior citizens, solo parents, persons with disabilities, at minimum wage earners.
- Latest