^

Bansa

Kapag gipit, kaya na sa GCash kumapit!

Pilipino Star Ngayon
Kapag gipit, kaya na sa GCash kumapit!

Hindi na problema ang paghahanap ng pantawid sa pang araw-araw na gastusin sa tulong ng GCredit

MANILA, Philippines — Kuryente, tubig, pang-internet, pang-grocery – sa bawat araw na dumaraan, mistulang parating may panibagong pangangailangan. Ngayon na patapos na ang tag-init, nagsisidatingan na ang mga susunod na bayarin: pambili ng mga gamit sa eskwelahan at pambaon ng mga bata!

Gustuhin man nating matugunan lahat ng gastusin, minsan talaga’y nagkukulang ng pambayad kahit gaano pang ipilit na magtipid at mag-budget.

May mga panahong kailangan lang talaga ng kaunting tulong na makaluwag-luwag sa mga panahong gipit, lalo na kapag petsa-de-peligro. At dahil may GCash na, madali nang maitatawid ang mga bayarin kahit walang credit card, at nang hindi naghahanap ng taong mauutangan.

GCredit, ang legit na pantawid

Kapag ikaw ay isang GCash user, nasa kamay mo na ang sagot sa kinapos na panggastos. Sa pamamagitan ng GCredit, powered by CIMB, mayroon ka nang always-ready credit line para makahiram ng pantawid sa mga bayarin. Higit sa lahat, may gaang dala ang GCredit–pwedeng magbayad ng minimum na 10% ng total due, kaya’t hindi mabigat kahit naghihintay pa ng sahod, bonus, o allowance.

Iniisip pa kung saan pwedeng gamitin ang GCredit? Kapag nagipit, madali mo nang maitatawid ang mga gastusing tulad ng:

  • Bills Payments: kapag tumaas ang kuryente o kaya hindi sumakto ang sweldo sa due date ng tubig, pwedeng i-GCredit ang bills para maiwasan ang dagdag gastos sa late fees
     
  • Internet at Landline: kapag kailangan ng landline o internet, pwedeng i-GCredit ang pambayad para hindi maputol ang linya at manatiling konektado sa pamilya, trabaho, at mga kaibigan.
     
  • Groceries: kapag tumaas ang bentahan sa palengke o kinapos ng budget sa pandagdag na groceries, pwedeng i-GCredit and groceries para hindi mabitin sa kainan

Padaliin na ang pantawid at gumamit ng GCredit

Sa dami ng pwedeng i-GCredit sa pang araw-araw na bayarin, pinadali din ng GCash na magbigay ng ginhawa sa mga panahong gipit:

  • Easy bayaran ang interes: Arawan ang interes at 0.17% lang! The earlier you pay, mas maliit ang interes
  • Easy magbayad: Hindi agad-agaran ang bayad, kahit 10% minimum amount due muna ang bayaran, ok lang!
  • Easy makautang up to P50K: Diretso lang sa GCash app, easy access na ang pantawid

Bago muna ilipat ang mga bayarin sa GCredit, siguraduhin mong ikaw ay qualified. Sa homepage ng GCash app, i-click ang “Borrow” at hanapin ang “GCredit”.

Kung hindi ka pa qualified, makikita mo ang iba’t ibang paraan para mag-qualify sa GCredit. Dapat ding tandaan na ang GCredit ay pwede lamang sa mga Filipino citizen, 21-65 years old, ay may fully-verified na GCash app.

Kung ikaw ay qualified na gumamit, makikita mo ang credit limit na pwede mong gastusin. Makakatanggap ka ng SMS para mag-activate ng GCredit, at sundan lamang ang mga hakbang na ito:

  • I-confirm ang iyong email address
  • I-confirm ang iyong personal information at iba pang mga impormasyon na kailangang tugunan sa app
  • I-review at i-submit ang application

Pagkatapos nito, makakatanggap ka ng confirmation mula sa GCredit na makikita mo sa iyong e-mail, at handa ka nang makahiram ng pantawid sa mga pang araw-araw na gastusin!

Tandaan lamang na maging responsable sa paggamit ng GCredit – siguraduhing nabasa muna ang terms and conditions at mayroon kang planong mabayaran ang iyong utang sa tamang panahon.

Tumaas, dumami, o bumilis man ang mga gastusin, hindi na kailangang alalahanin pa kung saan huhugot ng pambayad dahil mayroon ka nang pantawid gamit ang GCredit. Personal man na pangangailangan o panggastos ng buong pamilya, may mabilis ka nang solusyon kapag nagipit sa kuryente, tubig, internet, o pang-grocery dahil kaya today with GCredit!

 


Editor’s Note: Ang press release na ito para sa GCash ay hindi saklaw ng editorial guidelines ng Philstar. com.


GCASH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with