^

Bansa

P219.5 milyong smuggled fuel nasabat

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aabot sa P219.5 milyong halaga ng umano’y smuggled fuel ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) Customs Intelligence and Investigation Services-Manila International Container Port (CIIS-MICP) noong Huwebes matapos matanggap ang ulat hinggil sa modus ng “paihi” o ilegal na pagsasalin ng produktong petrolyo sa La Union Port. 

Ayon kay BOC Commissioner Bien Rubio, mahalagang paigtingin ang kampanya at operasyon laban sa ilegal na pagpasok sa bansa ng unmarked fuel dahil bukod sa epekto nito sa ekonomiya, delikado rin ito sa mga consumer.

Ayon kay BOC-CIIS Director Verne Enciso, nahuli ng composite team ng BOC-CIIS, PCG, at NBI agents ang MT Bernadette sa aktong naglilipat ng diesel sa lorry truck at dalawang truck na nakitaang naglalaman ng diesel fuel.

Sa inisyal na imbentaryo, lulan ng motor tanker ang nasa 200,000 litro ng diesel fuel habang ang lorry trucks ay may kargang 19,000 litro ng diesel fuel at 40,000 litro ng diesel fuel na sa kabuuang nakumpiska ay nasa 259,000 liters.

Bigo ang 10 crew ng MT Bernadette na magpakita ng dokumento na magpapatunay na legal ang kanilang aktibidad kaya’t sila ay inaresto.

Bukod sa mga crew, 11 iba pa na kinabibilangan ng mga drivers, porters, lookouts, at iba pang kasabwat ang nahuli ng mga otoridad.

Siniguro naman ni Deputy Commissioner for Intelligence Group Juvymax Uy na masasampahan ng kaso at mapapatawan ng parusa ang mga sangkot sa aktibidad.

FUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with