Bagong teknolohiya sa basura dadalhin ng Japan sa Pinas
MANILA, Philippines — Nais dalhin dito sa Pilipinas ng isang kumpanya mula sa Japan ang makabagong teknolohiya na magko-convert ng basura sa malinis na enerhiya.
Ito ang inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos makipagpulong sa mga opisyal ng Kandevia Corporation sa kanyang ikalawang araw na official visit sa Osaka, Japan.
Sinabi ng Pangulo na sa pamamagitan ng proyekto ay iko-convert sa malinis na enerhiya ang tone-toneladang basura sa Manila. Lilikha rin ito ng trabaho para sa mga Pilipino.
“I am pleased to announced that we are working with Japan’s Kanadevia Corporation on a landmark waste-to-energy project for Manila,” pahayag ng Pangulo.
Ang Kamadevia Corporation ay eksperto sa high tech environmental systems kabilang na ang mga modernong pasilidad kung saan ang mga basura ay ginagawang enerhiya at wastewater treatment.
Ang nasabing proyekto ay itatayo sa Smokey Mountain na tutugon sa problema para sa mas maayos na pagtatapon ng basura, lilikha ng power generation, magbibigay ng trabaho para sa mga Pilipino at malinis na kapaligiran.
- Latest