Big-time oil hike: P3 gasolina, P4.80 diesel

MANILA, Philippines — May dagdag problema na naman sa gastusin ang kakaharapin ng mga motorista sa susunod na linggo.
Ito ay dahil raratsada ang all-time, big-time oil price hike.
Tinatayang nasa P2.50 hanggang P3.00 ang taas presyo sa gasolina kada litro, P4.30 hanggang P4.80 per liter sa diesel at nasa P4.25 hanggang P4.40 kada litro sa presyo ng kerosene.
Sinasabing ang big-time oil price hike ay dulot ng 4-day trading sa MOPS (Mean of Platts Singapore) nang magkaroon ng mataas na “major oil price shock sanhi ng kaguluhan sa Israel at Iran na nagbunsod ng critical global shipping passage.
Tuwing Martes ipinatutupad ang oil price adjustment.
- Latest