^

Bansa

Palasyo sa Australia trip ni VP Sara: ‘Pang personal o pang bayan?’

Mer Layson, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Palasyo sa Australia trip ni VP Sara: ‘Pang personal o pang bayan?’
Vice President Sara Duterte addresses the media at the Office of the Vice President in Mandaluyong City on February 7, 2025, days after the House of Representatives approved her impeachment.
Photo by Philstar.com / Martin Ramos

MANILA, Philippines — Kinuwestyon ng Malakanyang kung personal o para sa bayan ang pagbiyahe ni Vice President Sara Duterte sa Australia.

‘’Pang personal o pang bayan? That is the question,” reaksyon ni Pa­lace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro kaugnay sa panibagong biyahe ng Bise Presidente sa Australia.

Sa abiso ng Office of the Vice President (OVP) kahapon, sinabi nito na kasama sa magiging itinerary ni VP Sara sa kanyang biyahe ang pagdalo sa “Free Duterte Now” rally sa Linggo, Hunyo 22, na idaraos sa Melbourne.

Sinabi pa ni Castro na lumalabas na personal ulit ang biyahe ng Bise Presidente at inisa-isa ang mga na­ging biyahe nito kabilang na ang pag-celebrate ng kaarawan sa Netherlands noong May 29, 30 at 31.

Bukod pa ang biyahe nito sa Qatar at Kuala Lumpur, Malaysia kaya lumalabas na apat na beses umalis ng bansa ang VP sa halos ilang buwan lamang.

“So, kung doon po abala ang ating Bise Presidente sa mga personal trips niya o personal trips with her family, choice po ng Bise Presidente iyon. Sabi nga natin, pampersonal o pambayan, that is the question. So, wala po tayong masasabi,” ayon pa kay Castro.

Kung anuman aniya ang ginagawa ngayon ng Bise Presidente ay nakikita naman ito ng taumbayan bilang isang halal na lider ng bansa.

Nilinaw naman ni Castro na walang nilalabag ang Bise Presidente maliban na lamang sa kanyang obligasyon sa bayan.

OVP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with