^

Bansa

Pangulong Marcos: NCAP bawas Korapsyon

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos: NCAP bawas Korapsyon
Sa podcast interview ni Marcos, sinabi niya na maganda ang layunin ng NCAP dahil madidisplina ang mga pasaway na motoristang sumunod sa batas trapiko at mababawasan din ang korapsyon.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng suporta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa No Contact Apprehension Policy (NCAP) na ipinapatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa podcast interview ni Marcos, sinabi niya na maganda ang layunin ng NCAP dahil madidisplina ang mga pasaway na motoristang sumunod sa batas trapiko at mababawasan din ang korapsyon.

Taliwas aniya ito sa pananaw ng ilang moto­rista na magiging gatasan lang ng mga pulis at  traffic enforcer ang NCAP.

“In principle agree ako diyan sa no contact. Maganda ang layunin n’yan, yung masunod ang rules of the road na hindi tayo kung anu-anong ginagawa natin and then bawas corruption,” pahayag ng Presidente.

Kapag aniya nahuli ng pulis ang isang motorista, aminin man o hindi ay may nakasiksik na pera sa lisensiya para hindi na matiketan kaya mas maganda ang NCAP dahil ang paglabag ay ibabase sa nakunan sa CCTV.

Paliwanag pa ng Pa­ngulo, kapag nagbayad ng multa ay hindi tao ang tatanggap kundi diretso mismo sa sistema.

“Ito it will be based solely kung ano yung nasa picture. Pag babayad siya ng multa hindi binibigay sa kahit na anong tao. It’s straight to the system,” sinabi pa ng Pangulo.

NCAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with