Impeachment case vs Sara balak ihain ng Kamara sa 20th Congress
MANILA, Philippines — Balak muling ihain sa 20th Congress ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, ayon kay incoming Senador Erwin Tulfo.
“I think that the House will really refile it. That’s what I heard from my colleagues. They’ll refile it with 20th Congress,” pahayag ni Tulfo.
Dumalo kahapon si Tulfo sa orientation para sa mga bagong miyembro ng Senado. Pero hindi binanggit ni Tulfo kung papaano ito gagawin ng mga kongresista at siya mismo ay hindi rin niya maintindihan ang paraan sa muling paghahain nito.
Kabilang naman si Tulfo sa mga naniniwala na dapat tumawid sa 20th Congress ang impeachment trial ni Duterte upang masaksihan ng mga mamamayan ang paglilitis at kung talagang may ebidensiyang maipipresenta ang panig ng prosekusyon.
Bukod kay Tulfo, dumalo sa pictorial ang mga incoming Senators Vicente “Tito” Sotto III, Camille Villar, Kiko Pangilinan at Rodante Marcoleta.
- Latest