^

Bansa

Panibagong balasahan sa government officials gumulong

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinanggap na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw ng ilang opisyal ng gobyerno matapos ang paghahain nila ng courtesy resignation.

Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na kabilang sa tinanggap ang courtesy resignation nina PLLO Presidential Advisor on Legislative Affairs Mark Leandro Mendoza; Presidential Adviser on Military and Police Affairs Roman Felix at PNOC Renewables Corporation President and CEO John J. Arenas.

Habang mananatili naman sa puwesto sina GSIS President and General Manager Jose Arnulfo Veloso; Land Bank of the Philippines President and CEO Lynette Ortiz; Development Bank of the Philippines President and CEO Michael De Jesus; National Irrigation Administration Administrator Eduardo Eddie G. Guillen; PCSO General Manager Melquiades Robles at PhilHealth acting President and CEO Edwin M. Mercado.

Sinabi ni Castro na ang pagtanggap ng mga courtesy resignation at na-retain sa puwesto ay patunay lang na patuloy ang evaluation sa bawat pagtatrabaho ng mga heads of agencies at iba pang leaders natin na dapat pagkatiwalaan ng Pangulo.

Dahil sa patuloy aniya na pag-i-evaluate ng ­Pangulo kaya asahan na mas marami pang mga pangalan ang maaring maisama sa maaaring manatili sa puwesto o sa maaaring masibak.

FERDINAND MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with