^

Bansa

Panganib ng landfill ikinabahala

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan ang isang environmental group sa pamahalaan na suspendihin ang operasyon ng isang landfill sa Porac, Pampanga bunsod na rin ng panga­nib na dulot nito sa publiko at sa kalikasan sa panahon ng tag-ulan at posibleng mga pag­lindol.

Ginawa ng grupong Pinoy Aksyon Inc., ang apela na moratorium sa landfill, sa pangamba ng pag-agos ng lahar na makasisira sa kapaligiran at kalikasan.

“What was once presented to the public as a ‘sanitary landfill’ has now revealed itself as an environmental disaster,” ayon sa Pinoy Aksiyon Inc.

Nabatid sa grupo na ang landfill ay matatagpuan sa volcanic mud terrain kung saan madaling anurin ng putik o lahar dulot ng mga pag-ulan, bagyo at lindol.

Kita rin sa drone footage ang maling lagusan, hindi tamang pagtatambak ng basura at kawalan ng structural reinforcements.

Ikinabahala rin ng grupo ang lugar ng landfill na malapit sa Pasig-Potrero River na pinagkukunan ng supply ng tubig ng bayan ng Bacolor, Sta. Rita at Guagua sa Pampanga.

Nagbabala ang grupo ng posibleng toxic leachate sa irrigation systems at aquifers tuwing bumabaha.

Nabatid na ininspeksiyon na rin ni Pampanga Governor Dennis Pineda ang landfill matapos ang mga reklamo mula sa mga residente laban sa Eco Protect.

PAMPANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with