Ayusin tagas para maprotektahan bahay sa tag-ulan

MANILA, Philippines — Dumating na ang panahon ng habagat, at kasabay nito ang iba’t ibang posibleng problema sa bahay. Mula sa konting tagas sa kisame hanggang sa malalaking pagtulo, asahan nang darating ang mga katulad na aberya ngayong tag-ulan.
Hinihikayat ng Bostik Philippines, ang number one manufacturer ng mga elastomeric sealant sa bansa, ang mga homeowner na protektahan ang kanilang tahanan laban sa mga pinsalang dala ng iba’t ibang elemento dulot ng pagsusungit ng panahon.
“Panahon na para inspeksyunin ang mga bahay kung may mga tagas,” sabi ni Fides Kasman, Director of Market Development ng Bostik. “Kapag hindi ito naayos, puwedeng lumala ang mga tagas sa bubong at mauwi sa mas malalang problema gaya ng pagkakaroon ng amag, pagkabulok ng kahoy, at pagkakasakit. Pero may mabilis at madaling paraan para tapalan ang mga tagas gamit ang mga de-kalidad na elastomeric sealant.”
Puwede mo nang gawin ito agad gamit ang Super Vulcaseal ng Bostik, isang sealant na napatunayang maaasahan tuwing tag-ulan.
Nagsisilbi itong harang laban sa pagpasok ng halumigmig, pinipigilan ang unti-unting pagtagas ng tubig, at ang posibleng pagkakaroon ng amag.
Nagbabala rin ang Bostik sa publiko hinggil sa mga pekeng sealant na ibinebenta online at sa mga hindi lisensyadong tindahan. Para makasigurong orihinal ang mabibiling mga Bostik product, bumili lamang sa mga awtorisadong tindahan, iwasan ang sobrang murang presyo, at suriing mabuti ang packaging ng produkto.
- Latest