^

Bansa

Bong Go sa DFA, DMW: Kaligtasan ng mga Pinoy sa giyera ng Israel-Iran, tiyakin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kaugnay ng patuloy na tensyon sa pagitan ng Israel at Iran, nanawagan si Senador Christopher “Bong” Go sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) na gawin ang lahat ng kinakaila­ngan upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino na maaaring maapektuhan ng giyera.

Binigyang-diin ni Go na libu-libo ang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Middle East kaya mahalaga ang koordinasyon ng gob­yerno sa mga embahada ng Pilipinas.

“Patuloy ang ­bangayan sa pagitan ng Israel at Iran. Hindi natin hawak ang mga mangyayari, pero hawak natin ang responsibilidad na siguraduhing ligtas ang mga kababayan natin sa labas ng bansa,” anang senador kaya iginiit niya sa gobyerno na paigtingin ang monitoring efforts at paghahanda sa potensyal na contingencies.

Patuloy na nagpapa­litan ng airstrike missile attacks ang dalawang bansa na nagpapataas ng pangambang lumawak pa ang digmaan sa rehiyon at posibleng maglagay sa mga mig­ranteng Pilipino sa kapahamakan. 

Bagama’t walang ­iniulat na Pilipinong namatay, iginiit ni Go na hindi dapat hintayin ang pinakamasamang senaryo sa nangyayaring giyera.

“Kailangang may malinaw na plano para sa agarang paglikas kung kinakailangan. Dapat ready ang mga embahada, pati na ang mga support system ng ating gobyerno,” ani Go.

Hinikayat din ni Go ang overseas Filipinos na manatiling ­mapagmatyag, makinig sa mga payo mula sa Philippine missions at panatilihin ang komunikasyon sa mga opisyal ng embahada kung sakaling kailanganin ang agarang tulong.

DFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with