^

Bansa

P733 milyong hinging budget ng OVP sa 2026 - VP Sara

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
P733 milyong hinging budget ng OVP sa 2026 - VP Sara
Stock photo of a peso money bill.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Humihingi si Vice President Sara Duterte ng P733 milyong budget para sa kanyang tanggapan para sa susunod na taon.

Ito ay halos kahalintulad lamang ng naging budget na natanggap ng Office of the Vice President (OVP) noong 2025.

Sinabi ni VP Sara na ang naturang budget proposal ay ang pinakamaliit na isinumite ng OVP sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Mas mababa rin ito sa P2.3 bilyon at P1.8 bilyon na natanggap ng OVP sa mga taong 2023 at 2024.

Ipinaliwanag ng Bise Presidente na hindi na sila nagtangka pang ­humingi ng mas malaking budget dahil ­inaasahan na nilang hindi naman ito mapagbibigyan.

Layunin din aniya nito na mailayo ang kanyang mga tauhan sa kahihiyan, sa pagharap sa mga mambabatas.

Inamin na rin ni VP Sara na asahan nang dahil mas maliit ang budget nila ay mas kakaunti rin ang kanilang magiging proyekto.

Tulad noong nakaraang taon na napilitan silang itigil ang ilang programang ipinagkakaloob nila dahil sa pagtapyas sa pondo ng OVP.

BUDGET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with