27 milyong estudyante, balik-eskwela na

MANILA, Philippines — “All systems go’ na ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa ngayong Lunes, Hunyo 16.”
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, handang-handa na sila para sa pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral ngayong School Year 2025-2026.
“All systems go po ang lahat sa pagbubukas ng ating klase bukas, June 16,” aniya pa.
Samantala, ayon naman kay Dennis Legaspi, Media Relations chief ng Office of the Secretary ng DepEd, ang projected enrollment ng DepEd ngayong school year ay nasa 27 milyon.
Sa pagbubukas ng klase, nakatakdang bisitahin ni Angara, kasama si Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang Epifanio delos Santos Elementary School, sa Singalong St., sa Maynila, ganap na alas-9:00 ng umaga ngayong araw upang personal na makita ang sitwasyon ng pagbubukas ng klase.
Una nang pinadali at ginawang cost-effective ng DepEd ang pagpapa-enroll sa basic education school.
Nabatid na pinasimple na lamang ng DepEd ang mga rekisitos na kakailanganin ng mga mag-aaral sa pag-e-enroll, na nagpapahintulot sa mga magulang na minsanan na lamang magsumite ng birth certificate ng kanilang mga anak, sa buong K-12 education, alinsunod na rin ito sa kautusan ni Pang. Marcos.
“We’ve heard from parents that enrollment can be challenging due to the paper requirements and missing records,” ani Angara. “This new policy means less expense and less hassle for our parents and families. They no need to secure the same documents every year, which eases their financial burden and makes our enrollment process more efficient.”
- Latest