VP Sara: ‘Bias’ na senador mag-inhibit sa trial!
MANILA, Philippines — Marami umanong senador ang dapat na mag-inhibit sa isasagawang impeachment trial laban sa kanya dahil sa pagiging ‘bias’.
Ang pahayag ay ginawa ni VP Sara kasunod ng panawagan na mag-inhibit sina Senators Imee Marcos at Robin Padilla sa impeachment trial dahil sa pagiging bias ng mga ito, pabor sa bise presidente.
Kabilang ang dalawang senador sa mga senator-judges na hindi nagsuot ng kanilang robe nang mag-convene ang Senado bilang impeachment court noong Martes at bumoto sa mosyong ibalik sa Kongreso ang Articles of Impeachment.
Ayon kay Duterte, unfair ang pag-single out sa ilang senador na bias, gayung marami rin aniyang senador ang dapat kuwestiyunin ang pagiging patas dahil sa pagbatikos sa kanya.
“Kung ipapa-inhibit natin ang mga biased na senators, e madami tayong ipapa-inhibit din,” aniya pa, sa panayam sa telebisyon.
Tinukoy pa niya sina Sen. Risa Hontiveros na sa isang public speech aniya ay sinabing ‘kailangan sirain ang mga Duterte,’ at sina Sen. Chiz Escudero at Sen. Koko Pimentel, na nagsabi aniya na siya ay ‘lukaret’.
“..Ano ba sinabi sa akin? Unhinged? O parang ‘yun ba ang term na ginamit sa akin? Basta ang sinabi ay lukaret ano?” aniya pa.
- Latest