^

Bansa

Mga magtatapos na senador pinasalamatan ni Bong Go’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinasalamatan ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga kasamahan na magtatapos na ang termino sa 19th Congress kasabay ng pagkilala sa kanilang mga kontribusyon, serbisyo-publiko at pagkakaibigan sa Senado.

“Thank you to all senators who are ending their terms this year. I know how difficult it is to stand up every day for the Filipino people — especially during times of crisis, intense debates, or even disagreements. But despite all of that, we stood together with one shared goal: to serve, to make a difference, and to uplift the lives of our fellow Filipinos,” pahayag ni Go.

Kabilang sa mga magtatapos na ang termino ay sina Senators Francis Tolentino, Cynthia Villar, Nancy Binay, Grace Poe, Aquilino Pimentel III, at Ramon Revilla Jr.

Sa kanilang valedictory speeches ay binanggit naman ng mga gagradweyt na senador ang naging performance ni Go — partikular ang kanyang pagsisikap sa panga­ngalagang pangkalusugan — lalo ang naging magandang epekto ng Malasakit Centers sa mamamayang Filipino.

“To our three Mindanao champions, Ronald “Bato” (dela Rosa), Bong (Go), and Robin (Padilla), thank you for fiercely advocating for Mindanao’s people and their concerns,” sabi ni Poe.

“Senator Bong, ang Malasakit Centers mo, marami talaga ang hindi nakakalimot n’yan.”

Samantala, hiniling ni Sen. Pimentel sa kanyang mga kasamahan, lalo kay Sen. Go, na isulong ang ilan sa kanyang mga panukala. Sa papalapit na pagtatapos ng ika-19 Kongreso, ang sesyon ay nagsilbi, hindi lamang bilang isang pamamaalam, kundi sandali ng pagkilala sa isa’t isa at pagpaparangal ng kani-kaniyang legasiya.

CHRISTOPHER “BONG” GO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with