^

Bansa

Paglikas sa OFWs sa Middle East ikinakasa

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Paglikas sa OFWs sa Middle East ikinakasa
This aerial picture shows damaged buildings at a site hit by a missile fired from Iran in the Israeli city of Ramat Gan near Tel Aviv on June 14, 2025. Iran struck Israel early June 14, with barrages of missiles after a massive onslaught targeted the Islamic republic's nuclear and military facilities, and killed several top generals.
AFP / Jack Guez

Israel-Iran crisis tumitindi

MANILA, Philippines — Itinaas na ng Department of Migrant Workers (DMW) sa heightened alert status ang kanilang mga tanggapan sa Middle East dahil sa lumalalang tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.

Sinabi ni DMW Undersecretary Bernard Olalia sa Saturday News Forum sa Quezon City, na mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at DMW Secretary Hands Leo Cacdac ang nag-utos nito.

“Naka-heightened alert po ngayon ang DMW. Lahat ng front offices, lalo na ang ating Migrant Offices sa Israel, Jordan, Lebanon at iba pang bansa sa Gitnang Silangan, ay nakaalerto dahil sa kaguluhan sa rehiyon,” sinabi pa ni Olalia.

Handa na rin aniya ang DMW at ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sakaling lumala pa ang sitwasyon at mag-escalate ang kaguluhan at lumawak ang regional conflict.

“Hindi lang aniya Israel at Iran ang binaban-tayan natin kundi lahat ng bansa sa Gitnang Sila­ngan,” dagdag pa ni Olalia.

Ayon sa DMW, tinatayang 20,000 Pilipino ang kasalukuyang nasa Israel—13,000 dito ay dokumentado, habang mahigit 6,000 ang walang kaukulang papeles kung saan karaniwan nilang trabaho ay  caregiver, hotel staff, o sa sektor ng agrikultura, serbisyo, at paggawa.

Lahat ng labor attaché at kanilang staff ay naka-duty na ngayon 24/7 at bawal na rin ang lahat ng leave at naka-standby ang mga hotline anumang oras.

Maaaring tumawag sa kanilang 24/7 hotline ang mga OFW at kanilang pamilya sa 1348 sa loob ng Pilipinas at +63 2 1348 mula sa labas ng bansa.

Siniguro ni Olalia na may mga nakahandang contingency measures ang pamahalaan kung sakaling lumala ang sitwasyon.

Naghanap na rin aniya ng alternatibong ruta ang DMW para sa repatriation dahil sarado ang airspace ng Israel at Iran.

“Kung hindi puwedeng air repatriation, gagawin natin ito sa pamamagitan ng land repatriation. Gagamit tayo ng mga kalapit na bansang bukas at ligtas para daanan ng ating mga OFW bilang bahagi ng humanitarian travel,” paliwanag ni Olalia.

DMW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with