^

Bansa

P3 dagdag-presyo sa de-latang sardinas, hirit

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
P3 dagdag-presyo sa de-latang sardinas, hirit
Ayon sa Canned Sardines Association of the Philippines, umaaray na ang mga gumagawa ng sardinas kaya umapela sila ng price adjustment sa Department of Trade and Industry (DTI) na mula sa P21 SRP ay itaas sa P24.
Philstar / Irra Lising

MANILA, Philippines — Plano ng mga kum­panya ng de-latang sardinas na magtaas ng P3 mula sa kasalukuyang P21 suggested retail price (SRP) dahil sa tumataas na presyo ng ginagamit na lata o tin sheets.

Ayon sa Canned Sardines Association of the Philippines, umaaray na ang mga gumagawa ng sardinas kaya umapela sila ng price adjustment sa Department of Trade and Industry (DTI) na mula sa P21 SRP ay itaas sa P24.

Inamin ni CSAP Executive Director Francisco Buencamino na ito ay para sa low economy standard na sardinas, na hindi katulad ng premium sardines na mas mataas na presyo, kung saan sila nakakabawi.

Kabilang aniya sa problema ng mga manufacturer ang pagtaas ng tin cans na imported materials, na apektado ng paghina ng peso sa dolyar.

“You will see lesser number of brands in the SRP level,” aniya, kung hindi pagbibigyan ang hiling na price adjustment.

Isa aniya sa nakakaapekto ang pagtaas-baba pa ng produktong petrolyo.

Sa isyu naman sa reklamo na paliit ng paliit ang laman ng sardinas, nilinaw din niya na sa mga brands na kasapi ng CSAP, hindi totoong nakokompromiso ang kalidad at quantity o laman ng isang lata ng sardinas sa kabila ng problema rin sa paghuli ng mga isda lalo na sa ginagamit na tamban.

Sakaling mas may ma­liliit na isda, sa halip na apat na piraso ay may dagdag ito upang makaabot sa tamang content.

Apektado umano ang pagdami ng isdang tamban na nahuhuli sa municipal waters dahil sa paggamit ng dinamita ng iligal na mangingisda kaya gumagawa ng paraan na makahanap ng lugar na may mas malalaking ­mahuhuli.

PRICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with