Pinas bumili ng 12 South Korean FA-50 jets

MANILA, Philippines — Bumili ang Department of National Defense (DND) ng 12 units ng FA-50 Block 70 light combat aircraft mula sa Korea Aerospace Industries Ltd.(KAI) mula sa Republic of Korea upang palakasin pa ang kapabilidad ng depensa ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ang nasabing mga combat aircraft ay nasa ilalim ng $700 milyong kontrata na bahagi ng modernization program ng AFP.
“The FA-50 Block 70 represents the latest evolution of the FA-50 platform, featuring advanced avionics, modern radar systems, and extended operational range. Its acquisition marks a significant enhancement to the country’s air defense capabilities and aligns with the DND’s Comprehensive Archipelagic Defense Concept,” ayon sa DND.
Ang nasabing mga aircraft ay sasailalim sa aerial refueling at lalagyan ng AESA radars.
“The acquisition underscores the Philippine government’s continued commitment to national defense and further strengthens bilateral defense cooperation with the Republic of Korea,” ayon kay DND Spokesman Arsenio Andolong.
Sa kasalukuyan ay nag-o-operate ang Philippine Air Force (PAF) ng FA-50 fighter jets at A-29 Super Tucano light attack aircraft.
Ang Pilipinas ay unang bumili ng 12 FA-50s fighter jets na idineliver noong 2015 at 2017.
- Latest