Thai survivor ng 1998 plane crash nakaupo rin sa seat 11A
MANILA, Philippines — Lumutang ang isa pang survivor ng plane crash na nangyari noong 1998 matapos malaman na ang nag-iisang survivor nang bumagsak na Air India ay nakaupo sa seat 11A.
Sa mga lumabas na panayam sa media, sinabi ng professional singer na si Ruangsak Loychusak, 47, isang Thai national na kinilabutan siya matapos malaman ang seat number ng nag-iisang survivor ng pinakahuling plane crash kung saan 241 sa mga pasahero ang namatay matapos bumagsak at sumabog wala pang isang minuto bago mag-take off.
Sinabi ni Loychusak na nakaupo rin siya sa seat 11A sa Thai Airways Flight TG261 kung saan 101 sa pasahero ang nasawi noong 1998 habang 45 ang nasaktan kabilang siya.
Ang eroplano ay bumibiyahe mula Bangkok patungong Surat Thani ng magkaroon ng aberya at bumagsak sa isang swamp habang nagtatangkang mag-landing.
Sinabi ni Loychusak na simula ng mangyari ang insidente ay nagkaroon na siya ng trauma sa pagsakay sa eroplano.
“I had difficulty flying for 10 years after the crash,” napaulat na sinabi ni Loychusak.
Lumutang sa social media ang posibilidad na mas maraming pasahero ang magpapa-reserve ng seat 11A dahil sa nangyari sa dalawang plane crash survivors.
- Latest