Sibakan sa Gabinete wala pang kasunod - PCO
MANILA, Philippines — Wala pang nakukuhang impormasyon ang Presidential Communications Office (PCO) kung may susunod pang sisibakin si Pangulong Ferdinang Marcos Jr. sa hanay ng gabinete na nagsumite ng courtesy resignation.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, wala pang update sa ngayon ang grupong inatasang magsagawa ng performance evaluation ng mga opisyal ng gobyerno.
Kaugnay naman sa binanggit ni Pangulong Marcos Jr. na undersecretaries na ang isusunod na titingnan ang performance, sinabi ni Castro na wala silang natanggap na utos na magsumite rin sila ng courtesy evaluation.
Kabilang sa mga hindi pa napapagdesisyunan ang courtesy resignation ay mga pinuno ng PCO, Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity, Presidential Adviser for Poverty Alleviation, Presidential Legislative Liaison Office, Presidential Assistant on Maritime Affairs at Presidential Adviser on Military and Police Affairs.
- Latest