^

Bansa

Fake news, kasinungalingan salot sa kalayaan - Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Fake news, kasinungalingan salot sa kalayaan - Marcos
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos at mga anak na sina Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander, Joseph Simon at William Vincent, ang flag raising ceremony sa selebrasyon ng 127th anniversary ng Araw ng Kalayaan, kahapon sa Rizal Park.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Salot sa kalayaan na itinuturing ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang fake news, mga maling impormasyon at mga kasinungalingan.

Sa talumpati ng Pangulo sa pagdiriwang ng ika-127 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan na ginanap sa Quirino Grandstand sa Luneta, sinabi niya na kung titingnan ang nagaganap sa buong mundo ay nasobrahan na ang kalayaan.

Itinuturing ng Pangulo na salot sa kalayaan ang mga balitang salat sa katotohanan, maling impormasyon at walang tigil na kasinungalingan na maaaring makasira sa pamumuhay, kultura at sistema ng kaayusan.

Nagpahayag din ng kalungkutan ang Pangulo na may ilang Pilipinong ipinipilit ang maling paniwala para sa interes ng iba sa halip na mas dapat isaalang-alang ang kapakanan ng nakararaming Pilipino.

Tila nagparinig naman ang Pangu­lo sa mga personalidad, mga indibidwal at mga kumpanyang sa halip na magbigay ginhawa sa mga Pilipino ay dusa ang ipinaparanas tulad ng nararanasang hirap sa mahal na pagkain, kakulangan ng kuryente at tunay na serbisyo.

FAKE NEWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with