^

Bansa

P200 wage hike bill ‘pinatay’ ng Senado - Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinondena ng Kamara ang ginawang “pagpatay” ng Senado sa P200 wage hike bill matapos tumangging mag-convene ang Bicameral Conference Committee para ipasa ito sa huling gabi ng sesyon ng Kongreso.

“Let’s not sugarcoat it — the Senate killed the P200 wage hike bill,” pahayag ni Atty. Princess Abante, spokesperson ng Kamara na kinuwestiyon rin ang Senado kung bakit binabarya-barya ang mga manggagawa.

“No bicam. No compromise. No wage hike. And the reason is simple: ‘Ayaw ng Senado makipag-usap. Gusto nila, tanggapin na lang nang buo ang P100 nila. Bakit? Bakit binabarya ng Senado ang mga manggagawa?’, tanong ni Abante.

Sinabi ni Abante na handang-handa ang House Bicameral conferees para isaayos at pag-isahin ang bersiyon ng Kamara at Senado sa wage hike bill pero ibinasura ito ng Senado matapos na hindi ito aksyunan gayong inihabol itong ipasa ng mga Kongresista bago magtapos ang huling sesyon ng 19th Congress bilang handog sana sa mga manggagawa.

“Tumaas ang kilay ng bicam conferees namin nang tanungin kung ano ang nangyari. They were ready to sit down, defend the ?200 proposal, and fight for labor — only to find out the Senate had no intention of meeting at all,” sabi ni Abante.

Noong Hunyo 4 ng gabi ay inaprubahan sa plenaryo ng Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa ang House Bill (HB) No. 11376  o ang P200 legislated wage hike bill sa botong 171-1-0.

“This was not a reckless proposal. It was a responsible, well-considered measure. But instead of dialogue, ‘ang ibinalik sa amin ay tahimik na pagtanggi at pagmamadali. The people deserve accountability. ‘Hindi ito pagkukulang ng Kamara. Ginawa namin ang trabaho namin. Pero ang Senado, iniwan sa ere ang manggagawa”, saad ni Abante.

WAGE HIKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with