Senate minority kumilos vs VP Sara impeachment

MANILA, Philippines — Isinulong ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel na pormal nang simulan ng Senado ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa kanyang privileged speech kahapon, iginiit ni Pimentel na pansamantalang suspendihin muna ng kahit ilang oras ang mga legislative business ng Senado at i-convene ang Senado bilang isang impeachment court.
Sinabi rin ni Pimentel na dapat pangunahan na ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang panunumpa ng mga senador na present sa plenaryo na uupo bilang mga judge sa trial.
Iginiit din ni Pimentel na dapat simulan na ang presentasyon at pagbabasa ng mga kasong kinakaharap ni Duterte at gumawa na ng calendar trial.
Binasa rin ni Pimentel ang mga nakapaloob sa Articles of Impeachment ni Duterte.
Sa pamamagitan ng manifestation, sinegundahan ni Sen. Risa Hontiveros ang nais mangyari ni Pimentel.
“Forthwith and with no further delay - the Senate President must be placed under oath as Presiding Officer. He must be placed under oath as Presiding Officer. He must then administer the oath to the Machment trial must begin immediately. Agad-agad. Walang pag-iimbot,” ani Hontiveros.
“Hindi naman mahirap at matagal ang panunumpa at pagbabasa ng Articles of Impeachment, diba? Gawa na ang robes, at ready na ang session hall. Hindi iyan aabutin ng isang oras, kaya bakit natin iiwasan ang napakasimpleng opening ng impeachment trial?” pahayag pa ni Hontiveros. Kasunod nito ay nagkasundo rin ang mga senador na manunumpa kagabi si Escudero bilang presiding officer ng lilikhaing impeachment court sa Miyerkules, Hulyo 11 habang ang mga senador ay takda namang manumpa ngayong araw ng Martes.
- Latest