Palasyo: ‘Maglabas ka ng ebidensya!’

ICC nananakot ng testigo - Bato
MANILA, Philippines — Hinamon ng Malakanyang si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na maglabas ng dokumento kaugnay sa alegasyon nito na pinipilit ng mga imbestigador ng International Criminal Courts (ICC) ang mga retiradong opisyal ng kapulisan para tumestigo laban sa kanila ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na madali lamang gumawa ng mga kwento, kaya kung may alam si dela Rosa na namimilit sa mga pulis ay pagawaan niya ito ng affidavit na mayroong mga ICC sa bansa na pinipilit silang tumestigo.
Dapat aniyang ipaliwanag kung anong klaseng pamimilit ang sinasabi ng Senador kung mayroong mga tutukan na nangyayari, gayung mga uniformed personnel ang mga ito na hindi maman aniya kayang takutin basta-basta.
Tila pinaringgan din ni Castro ang dating administrasyon na aniya ay ginawa na rin dati kay dating Senador Leila De Lima na pinagawan ng kwento at reklamo kay Kerwin Espinosa at Ragos.
“So maybe ito yun nagawa nila, it takes one to know one dahil ito rin ang nirereklamo ni dating Iloilo Mayor Jed Mabilog na gustong ipagawa sa kanya kaya siya tumakbo at umalis ng Pilipinas dahil sa pananakot at kailangan niyang mag-testify sa kalaban ng dating pangulo noon na si Duterte.” saad pa ni Castro.
Kaya posible aniyang alam nila kung paano manakot at gumawa para makakuha ng isang testigo at maging false witness para sa iba.
Kaya hamon ni Castro kay dela Rosa kung may pruweba siya dahil alam naman niya itong gawin ay ilabas na lamang niya ito.
Nilinaw naman ni Castro na hindi siya nagsasalita para sa ICC kundi tinitingnan lamang nila ang sitwasyon kung paano ito nasabi ni dela Rosa.
- Latest