^

Bansa

Utos na mass resignation ‘di papogi – Bersamin

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Utos na mass resignation ‘di papogi – Bersamin
Executive Secretary Lucas Bersamin speaks to the media in Malacañan Palace on May 23, 2025
Philstar.com / Jean Mangaluz

MANILA, Philippines — Itinanggi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na pa-pogi lamang ang kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na courtesy resignation sa mga opisyal ng kanyang gabinete.

Sinabi ni Bersamin na ang paghingi ng courtesy resignation sa mga Cabinet officials ay isang “honorable” na paraan para umalis ang sinuman na hindi natugunan ang expectations ng Pangulo.

Mas makatao anya ang pagsusumite ng courtesy resignation kaysa basta na lamang sipain ang isang opisyal ng gobyerno sa puwesto.

“When I said that we are all serving at the will of the President, at the President’s pleasure, we will have to humanize. So, demanding a courtesy resignation is the best way of doing it because all that you can do is just to accept, and that’s the end of the debate,” pahayag pa ni Bersamin.

Tiniyak naman ng kalihim na ang evaluation process ay naaayon sa layon ng Pangulo na mapabuti ang performance ng gobyerno at maging epektibo ang mga pinapatupad ng programa at proyekto ng pamahalaan.

“Si Presidente narinig n’yo siya ‘immediate’. But you know humanly possible na evaluation is one at the time. Hindi mo pwedeng i-lump sum yung mga Cabinet secretaries because each has a different area of responsibility, each has a burden that is different from the other, from the next one,” sinabi pa ni Bersamin.

Nangako naman si Bersamin na ang proseso ng pagpili ay magiging mabilis na hindi nakokompromiso ang due diligence.

Sa susunod na linggo aniya ay muli silang mag- aanunsiyo kaugnay sa cabinet revamp sa sandaling mayroon ng desisyon patungkol dito.

LUCAS BERSAMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with