^

Bansa

DQ cases sa senador, kongresista dedesisyunan hanggang Hunyo 30

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
DQ cases sa senador, kongresista dedesisyunan hanggang Hunyo 30
Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia.
STAR / Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Asahan na madedesisyunan na ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng mga kaso ng  disqualification at cancellation of candidacy para sa national positions at legislative districts bago magtapos ang buwan ng Hunyo.

“Yung tungkol sa disqualification cases, cancellation of candidacy involving national positions tulad ng senador, party-list, at legislative district, ang timeline natin, bago mag-June 30, dapat ma-resolve namin,” ani Comelec Chairman George Garcia sa panayam ng Super Radyo dzBB.

Sinabi ni Garcia na napakarami pang tinanggap na disqualification case ang Comelec at marami pa rin ang nakabinbing mga kasong nireresolba.

“Ang isang kasong disqualification ay may dalawang mukha. Puwedeng disqualification case na pagtatanggal na kandidato o election offense o kasong kriminal. Maaaring makaligtas sila sa disqualification pero hindi sila makakaligtas sa election offense,” aniya.

Sa mga election protest naman, nilinaw ni Garcia na ang mga local na posisyon tulad ng governor, vice ­governor, sangguniang panlalawigan, city mayor, city vice mayor at Sangguniang panglungsod lamang ang sakop ng kanilang hurisdiksyon.

“Yung election protests, hanggang kahapon, dumagsa ‘yung pagpa-file ng kaso sa amin. ‘Yung 10-day period to file protest, mandatory period ‘yun. Walang extension ‘yun,” paglilinaw niya.

COMELEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with