^

Bansa

‘Atin Ito Mission’ sa West Philippines Sea lalarga sa Mayo 26

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Wala ng atrasan ang inihandang civilian mission at concert ng Atin Ito Coalition, isang grupong nagtatagu­yod sa karapatan sa ­soberenya at integridad ng bansa na idaraos sa West Philippine Sea sa Lunes, Mayo 26.

Ayon kay Edicio dela Torre, pangulo ng Philippine Rural Reconstruction Movement, naghanda na sila ng samut­saring mga scenarios para sa kaligtasan ng mga lalahok na alagad ng sining partikular na ang mga singer at maging ang mga magko-­cover na media sa nasabing okasyon.

Ang mga ito ay magsasagawa ng sama-samang paglalayag at magdaros ng concert habang sakay ng mga barko sa karagatan malapit sa WPS. Idaraos ang concert sa Pag-asa Island, isa sa mga islang inookupa ng Pilipinas sa WPS.

Kabilang naman sa mga inaasahang dadalo sa nasabing konsiyerto ay sina Ebe Dancel at Noel Cabangon at ma­ging ang kanilang mga inimbitahang artist mula sa Japan at Malaysia. Nasa 50 civilian volunteers at miyembro ng media ang dadalo sa konsiyerto.

Nakipagkoordinasyon na ang grupo ni dela Torre sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Philippine Coast Guard (PCG).

Bahagi ng kanilang misyon ang magdaos ng konsiyerto para sa kapayapaan at pagkakaisa sa pinagtatalunang teritoryo sa WPS na ang malaking bahagi ay nasasaklaw ng EEZ ng bansa.

Binigyang diin pa nito na nais nilang maging normal ang mga aktibidades sa WPS. Itinakda ang aktibidad mula Mayo 26-30.

EBE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with