^

Bansa

Bato: ICC investigators sa Pinas nananakot para tumestigo

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bato: ICC investigators sa Pinas nananakot para tumestigo
Senator Ronald “Bato” dela Rosa answers questions from the media during a press conference at the Senate in Pasay City on September 18, 2024.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan ni Sen. Ronald dela Rosa ang aniya’y pamimilit ng mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) sa mga retired police officers para tumestigo laban sa kanya at kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay dela Rosa, ang ICC ay may ongoing mission sa isang hotel sa Pasay City para mangalap ng affidavits ng mga kasong  crime against humanity sa The Hague, Netherlands.

“Magka-conduct kami ng hearing at ‘yung mga tao na involved diyan, ‘yung mga Pilipino na mga taksil sa ating soberanya ay mananagot ‘yan,” ayon pa sa senador.

Hinikayat din ni dela Rosa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palayasin ang sinasabing mga imbestigador ng ICC para mapatunayan ang sinseridad na alok nitong political reconciliation.

Ang mga ICC investigator aniya ay nananakot sa mga retiradong pulis at pinipilit na pumirma ng affidavit na magdidiin sa Senador at sa dating Pangulo.

“Tinatakot ‘yung mga pulis natin…Kawawa nga ang mga pulis eh,” ayon pa kay dela Rosa na dati rin hepe ng PNP.

RONALD DELA ROSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with