^

Bansa

Imee tatakbo ring Senate President

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Imee tatakbo ring Senate President
Senator Imee Marcos on March 20, 2025.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines —  May ilang kapwa senador ang lumalapit kay Senator-elect Imee Marcos para hikayatin siyang tumakbo sa Senate President sa 20th Congress.

Sinabi ni Sen. Imee na ilang mga kapwa Senador ang lumapit sa kanya para ialok ang kanilang suporta bilang kanilang kandidato para sa pagka-Senate President.

“Whoever will be elected by our peers, whether it is me or not, there are certain congressional reforms that need to be undertaken,” ayon pa kay Imee.

Inaasahan naman na susuporta at boboto kay Sen. Imee ang mga kaalyado ni dating ­pangulong Duterte na muling nahalal na sina Sens. Bong Go at Ronald dela Rosa, at si senator-elect Rodante Marcoleta na pawang nanalo noong May 12 midterm elections bilang bahagi ng senatorial slate ni Duterte.

Ayon kay Imee, kung siya ay mahalal na Senate President, uunahin niya ang reporma sa proseso ng pag-apruba ng pambansang badyet, partikular ang pag-alis sa bicameral conference committee, o ang bahagi kung saan nagkikita ang Senado at Kamara upang pag-isahin ang magkaibang bersyon.

“The most important is reform in the budgetary process. Tigilan na ang mahiwagang bicam. The right priorities in spending, considering our recurring fiscal deficits and huge indebtedness, must be legislated: food security and support to our farmers and fishermen; education; health and truly necessary social services,” pahayag pa ng Senador.

IMEE MARCOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with