Taiwan, 7 pang bansa kinondena China sa pagbomba ng tubig sa barko ng BFAR

MANILA, Philippines — Inulan ng pagkondena mula sa Taiwan at pito pang bansa ang ginawang pambobomba ng tubig sa barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na may sakay na research team at iba pang sibilyan noong Mayo 21, 2025 malapit sa Pag-asa Cay 2 o Sandy Cay.
Sa magkakahiwalay na pagtuligsa ng Taiwan, Japan, United States, United Kingdom, Australia, Canada, Netherlands, New Zealand at European Union, sinabi nila na nakakabahala para sa kapayapaan ng rehiyon at ng international peace ang ginawa ng China.
Una nang naiulat ang pinakahuling insidente ng pangha-harass ng China Coast Guard (CCG) kung saan dalawang beses binomba ng water cannons at ginitgit ang BRP Datu Sanday na nagsasagawa ng research mission sa Pag-asa Cays.
Kasama ng BRP Datu Sanday ang BRP Datu Pagbuaya sa isinasagawang routine sampling at data collection para sa food security, fisheries management at marine environmental protection programs nang makaranas ng pangha-harass mula sa CCG vessel 21559, na may kasama namang CC 5103 at 2 pang maritime militia vessels.
Ayon sa foreign ministry ng Taiwan, labis na nakababahala ang mapanganib na aksyon ng China Coast Guard laban sa sibilyang barko ng Pilipinas.
“Taiwan stands with the Philippines and urges all parties to exercise restraint and resolve disputes peacefully,” ayon sa public statement ng foreign ministry ng Taiwan.
- Latest