^

Bansa

12 Pinoy kulong sa Malaysia

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
12 Pinoy kulong sa Malaysia
Nabatid na naaresto ang 12 OFW noong Pebrero at hinatulan ng Malaysian government nitong Mayo 20, 2025. At dahil 3 buwang kulong lamang, maari rin silang palayain sa Hunyo.
Image by Thilipen Rave Kumar via Pexels

MANILA, Philippines — Hinatulan ng tatlong buwan na pagkakakulong sa Malaysia ang 12 OFW na naaresto sa paggamit ng pekeng entry permit papasok ng Laos.

Nabatid na naaresto ang 12 OFW noong Pebrero at hinatulan ng Malaysian government nitong Mayo 20, 2025. At dahil 3 buwang kulong lamang, maari rin silang palayain sa Hunyo.

Sa tulong ng Philippine Embassy at DMW, naibaba ang sentensya sa tatlong buwan.

Sa pamamagitan ng Telegram lamang ni-recruit ang mga biktima at pinagamit ng pekeng entry permit patungong Laos.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), inalok ng trabaho bilang call center agents na may sahod na P50,000 kada buwan ang mga biktima.

Bumiyahe ang mga OFW mula Pilipinas patungong Sabah gamit ang ilegal na ruta at natimbog pagsapit sa border ng Malaysia at Thailand noong Pebrero 2025.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with