Marcos dadalo sa ASEAN Summit
MANILA, Philippines — Dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.sa 46th ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia sa susunod na linggo.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of Foreign Affairs Deputy Assistant Secretary Dominic Xavier Imperial, na sa naturang pagpupulong ay igigiit ng Pangulo ang soberenya at sovereign rights ng Pilipinas.
Tatalakayin din nito ang tungkol sa pangdaigdigang usapin tulad ng isyu sa Myanmar at polisya ng Estados Unidos tungkol sa Tariff gayundin ang geopolitical concerns.
Ayon pa kay Imperial, nakatakda rin magsagawa ng bilateral meetings si Marcos sa Lao PDR, Kuwait, at Vietnam.
Makikipag-usap din ang Pangulo kay Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim tungkol sa regional economy and security ng dalawang bansa.
Nauna nang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Eduardo Manalo na isusulong ng Pilipinas ang “intensified negotiations” sa crucial “Code of Conduct” na naglalayon na maiwasan ang major conflict sa South China Sea sa gaganaping ASEAN Summit.
- Latest