^

Bansa

AFP general na inireklamo ng sexual harassment sibak!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinibak na sa puwesto ang isang mataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na inireklamo sa Department of Justice (DOJ) ng sexual harassment ng dalawang babaeng junior officer na Assistant nito.

Ayon kay Col. Xerxes Trinidad, Chief ng AFP- Public Affairs Office (AFP-PAO), agarang inalis sa puwesto ang nasabing opisyal matapos na makarating sa liderato ng AFP ang reklamo laban dito at isinalang sa pre-trial investigation bilang bahagi ng proseso sa pagsasailalim dito sa General Court Martial (GCM).

Gayunman, tumanggi naman si Trinidad na tukuyin ang pangalan at ranggo ng nasabing opisyal habang gumugulong ang imbestigasyon gayundin ng dalawang junior officers na biniktima ng umano’y kalaswaan nito.

Sa pahayag naman ng ilang sources, ang nasabing AFP officer ay may ranggong Major General mula sa Philippine Air Force (PAF) at ang mga biniktima nito ay may ranggo namang Major at Captain.

Base sa reklamong inihain sa DOJ ng dalawang junior officers, ang insidente ay nangyari noong Enero 29, 2025 matapos ang mga itong dumalo sa isang event at umagahin na kung saan nagtungo sila sa bahay ng nasabing opisyal at dito’y sinasabing naganap ang ‘sexual assault’.

Ang nasabing heneral ay nahaharap sa kasong conduct unbecoming an officer and a gentleman at conduct prejudicial to good order and military discipline sa General Court Martial.

Sinabi ni Trinidad na natapos na ang pre-trial investigation at ang kaso ay nakabinbin ngayon na naghihintay pang maaprubahan ng convening authority para sa pagsisimula ng General Court Martial.

DOJ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with