‘Act of disrespect’ sa Pinas ‘di papayagan — Pangulong Marcos

MANILA, Philippines — Hindi papayagan ng Pilipinas ang anumang “act of disrespect” laban sa soberanya ng bansa.
Ito ang matapang na inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagdiriwang ng127th anniversary ng Philippine Navy sa Subic, Zambales.
“Wala tayong isusuko, wala tayong pababayaan,” pahayag ni Marcos.
Sinabi pa ng Pangulo na itutuloy ng kanyang administrasyon ang pangangalaga sa maritime zones ng Pilipinas at ipapatupad ang maritimes rights na naayon sa international law.
Iginiit pa ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng international law at ito ay ginagalang ng Pilipinas dahil sa commitment bilang miyembro ng international community.
“We reaffirm our commitment to being a responsible member of the international community engaging in all matters diplomatically and upholding the established principles under International law,” ayon pa kay Marcos.
Siniguro rin ng Presidente na ang kanyang administrasyon ay determinado sa pagtitiyak na future ready ang Armed Forces of the Philippines (AFP).
Pinuri naman niya ang ginagampanan ng Navy sa pagtitiyak ng maayos at mapayapang eleksyon ngayong taon, dahil nagtalaga sila ng 1,800 na tauhan.
Sa ginanap namang pagtitipon, binasbasan ang dalawang bagong naval assets na BRP Miguel Malvar (FFG06) at ang BRP Albert Majini (PG909).
- Latest