^

Bansa

Bandila ng Pinas itinaas ng AFP sa Philippine Rise

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iwinagayway at ­itinaas ng Armed ­Forces of the Philippines (AFP) ang bandila ng bansa sa Talampas ng Pilipinas (Philippine Rise) upang paigtingin ang karapatan ng pamahalaan sa soberenya sa undersea feature sa Philippine Sea.

Ayon kay AFP-Northern Luzon Command (NOLCOM) Chief Lt. Gen. Fernyl Buca, bahagi ito ng paggunita sa ika-walong opisyal na pagpapalit ng pangalan ng Benham Rise bilang Philippine Rise.

Noong 2017 ay idineklara ng Pilipinas ang nasabing feature bilang ­Talampas ng Pilipinas sa pamamagitan ng Executive Order No. 25. Ang nasabing lugar ay sumasaklaw sa 13 milyong hektarya ng seabed east ng Luzon na sakop ng pinalawak na continental shelf na kinikilala sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Ginanap ang aktibidad habang lulan ang mga opisyal at tauhan ng ­militar sa BRP Emilio Jacinto (PS35) ng Northern Luzon Naval Command sa ilalim ng ­AFP-NOLCOM operational control. Dalawang FA-50 fighter jets din ng Phi­lippine Air Forces 5th Fighter Wing ang lumipad bilang hudyat ng air at maritime cooperation upang ipagtanggol ang pambansang interes ng bansa.

“The Philippine Rise is not just part of our ­territory. It is part of our identity. Raising our flag in these waters is a clear message that we are present and we are committed to protecting what belongs to the Filipino people,” ayon pa kay Buca.

“Through operations like this, AFP-NOLCOM contributes to the defense of national territory and the promotion of stability in the region,” sabi pa ng opisyal.

Matatandaan na ilang surveillance ship ng China ang namataang umaaligid sa Philippine Rise.

AFP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with