^

Bansa

Interes ng bayan, ng Pilipino uunahin ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dumalo si Senator Christopher “Bong” Go bilang pangunahing tagapagsalita sa midyear convention Integrated Philippines Association of Optometrists (IPAO) na isinagawa sa EDSA Shangri-La, Mandaluyong City noong Lunes. 

Ang okasyon ay dinaluhan din ng mga optometrist mula sa iba’t ibang panig ng bansa na inorganisa ng IPAO sa pamumuno ni National President, Dr. Charlie Ho.

Sa kanyang talumpati, lubos na nagpasalamat si Senator Go sa patuloy na pagtitiwala sa kanya ng medical professionals at health advocates.

“Maraming salamat po sa pagkakataon na muli ninyong ibinigay sa akin para makapagserbisyo. Hinding-hindi ko po sasayangin ang pagkakataon na ibinigay ninyo,” ani Go.

“Hindi niyo po ako maririnig na nangangako na gagawin ko ito o ganyan. Sabi ko, I will try my very best. Gagawin ko lang po ang aking trabaho— at uunahin ko ang interes ng bayan, interes ng Pilipino. At hinding-hindi ko po pababayaan ang ating mga kababayan, lalo na ang ating mga pasyenteng mahihirap. Uunahin ko yung makakatulong po sa kanila,” dagdag ng senador.

Ang kombensiyon ay nagbigay ng plataporma para sa healthcare professionals na makipagpalitan ng pananaw sa mga hamon sa larangan ng optometry at sa umuusbong na papel ng batas sa paghahatid ng pangangalagang pangkalusugan. 

Sa kanyang bahagi, binigyang-diin ni Senador Go dapat palakasin ang pagtutulungan ng gobyerno at ng sektor ng kalusugan.

SENATOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with