52 partylist iprinoklama na ng Comelec

MANILA, Philippines — Pormal nang naiproklama ng Commission on Elections (Comelec), na tumatayong National Board of Canvassers (NBOC), ang nasa 52 partylist winners sa katatapos na May 12 midterm polls, na ookupa sa nasa 69 na puwesto sa Kongreso.
Kabilang sa mga iprinoklama ang dalawa sa mga nangungunang party-list groups na nakakuha ng tig-tatlong puwesto, kabilang ang Akbayan, na nakakuha ng botong 2,779,621 (6.63%) at Tingog partylist na may botong 1,822,708 (4.34%).
Bagamat nakakuha rin ng tatlong puwesto, hindi naman muna naiproklama ang Duterte Youth na may botong 2,338,564 (5.57%) matapos na suspindihin ng poll body ang proklamasyon nito, dahil sa nakabinbing disqualification case.
Samantala, naiproklama rin naman ang tatlong partylist groups na nakakuha ng tig-dalawang puwesto, kabilang ang 4PS (3.50% /1,469,571 votes), ACT-CIS (2.96%/ 1,239,930 votes) at AKO BICOL (2.56%/ 1,073,119 votes).
Nasa 47 partylists ang nakakuha rin ng tig-isang puwesto.
Kabilang dito ang Uswag Ilonggo; Solid North Partylist; Trabaho; Cibac; Malasakit@Bayanihan; Senior Citizens; PPP; ML; FPJ Panday Bayanihan; United Senior Citizens; 4K; LPGMA; COOP-NATCCO; Ako Bisaya; CWS; Pinoy Workers; AGAP; Asenso Pinoy; Agimat; TGP; SAGIP; ALONA; 1-Rider Partylist; Kamanggagawa; GP; Kamalayan; Bicol Saro; Kusug Tausug; ACT Teachers; One Coop; KM Ngayon Na; Abamin; TUCP; Kabataan; APEC; Magbubukid; 1Tahanan; Ako Ilocano Ako; Manila Teachers; Nanay; Kapuso PM; SSS-GSIS Pensyonado; DUMPER PTDA; Abang Lingkod; Pusong Pinoy; Swerte at Philreca.
Bagamat nakakuha rin ng isang puwesto, hindi rin muna naiproklama ang Bagong Henerasyon (BH) dahil sa nakabinbing disqualification case.
Isinagawa ang proklamasyon kahapon sa The Tent, Manila Hotel.
- Latest