P20/kilo bigas mabibili na rin sa Mindanao

MANILA, Philippines — Sisimulan na sa Hulyo ang pagbebenta ng P20 kada kilo ng bigas sa Mindanao.
Ayon kay Agriculture Secretary Francis Tiu Laurel, ang phase 2 ng pagbebenta ng P20 kilo ng bigas ay nakabase sa poverty incidence kaya uunahin nila ang Zamboanga del Morte na mayroong 37.7% ng poverty incident. Sinundan ito ng Basilan; Cotabato City; Tawi-tawi; Maguindanao del Sur; Maguindanao; Davao Oriental; Sorsogon at Maguindanao del Norte.
Habang ang phase 3 naman ng proyekto ay sisimulan sa Setyembre sa Sultan Kudarat; Lanao del Norte; Catanduanes; Agusan del Sur; Sarangani; at Dinagat Island.
Ipatutupad ang tatlong phase sa pamamagitan ng shared subsidy.
Inaasahan naman na mula sa 34 Kadiwa outlets para sa vulnerable sector ay gagawin na itong 55 sa susunod na buwan.
- Latest