^

Bansa

Mas mataas na buwis sa vape, tabako isinulong sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Mas mataas na buwis sa vape, tabako isinulong sa Senado
Sinabi ni Gatchalian na hindi sila naniniwala na ang solusyon sa pagsugpo sa iligal na kalakaran ay ang  pagbabawas ng buwis.
Edd Gumban/File

MANILA, Philippines — Ang smuggling at pagtaas ng bilang ng mga kabataang gumagamit ng vape ang dahilan kaya isinulong sa Senado ang mas mataas na excise tax sa mga produktong tabako at vape, ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian.

Sinabi ni Gatchalian na hindi sila naniniwala na ang solusyon sa pagsugpo sa iligal na kalakaran ay ang  pagbabawas ng buwis.

“What is very prevalent right now is the smuggling of vaping products, and that’s already filtering down to our adolescent population,” ani Gatchalian.

Layunin ng panukala na amyendahan ang National Internal Revenue Code, kung saan itinatakda ang P41 na paunang buwis sa bawat pakete ng heated tobacco (20 units) at P66.15 kada milliliter ng vapor products at sigarilyo. Awtomatikong tataas ang rate ng 2 porsiyento bawat even-numbered na taon simula 2026 at 4 porsiyento bawat odd-numbered na taon hanggang 2035.

Pinapahintulutan din ang Pangulo na itaas ang mga rate ng buwis ng hanggang 5 porsiyento kung ang deficit ay lumampas sa 2 porsiyento ng gross domestic product.

Sinabi ni Gatchalian na kasama sa panukala ang pagpataw ng “single rate tax” sa lahat ng vape products at ad valorem tax sa mga vaping device upang hadlangan ang pagkonsumo ng kabataan.

Sa kabila ng 1,636 tobacco-related seizure ng Bureau of Internal Revenue mula 2023 hanggang 2025, isang kaso lang ang napagdesisyunan sa korte.

Ang Bureau of Customs ay may kaparehong mahinang rekord, na may dalawang desisyon lamang ng korte sa 1,296 seizure mula noong 2018.

SMUGGLING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with