Torre, Nartatez matunog na next PNP chief
MANILA, Philippines — I-aanunsiyo ng Malakanyang mula ngayon ang susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP).
Ito ay sa gitna ng nalalapit na pagtatapos ng termino at pagreretiro ni PNP Chief General Rommel Marbil sa Hunyo ngayong taon.
Subalit sa ngayon ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro ay wala pa siyang natatanggap na impormasyon mula sa kung sino ang posibleng pumalit sa puwesto kay Marbil.
Bagama’t mayroong mga pangalang lumulutang, ayon kay Castro mas mabuting hintayin na lamang ang anunsiyo mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Sa sandali naman aniyang ibahagi ito ng Palasyo ay kaagad din niya itong isasapubliko.
Kabilang naman sa mga pangalang umuugong na maaaring pumalit sa puwesto kay Marbil ay sina PNP CIDG Chief Major General Nicolas Torre III at dating NCRPO Chief Lt. General Narciso Nartatez Jr..
Nagtapos na ang termino ni Marbil nitong Pebrero subalit dahil panahon ng eleksyon ay pinalawig ni Pangulong Marcos ang kanyang paninilbihan hanggang Hunyo.
- Latest