^

Bansa

Pangulong Marcos: Isantabi na pulitika

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos: Isantabi na pulitika
President Ferdinand Marcos Jr
Bongbong Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Matapos ang matagumpay na senatorial elections kung saan anim na kandidato lamang ng administrasyon ang nanalo, sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na dapat ng isantabi na muna ang pulitika.

Dumalo ang Pangulo sa thanksgiving party ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas kamakalawa ng gabi sa headquarters ng Bagong Pilipinas sa Mandaluyong City.

Sinabi ng Pangulo na nais sana nila na mas maraming kandidato ng Alyansa ang nanalo pero dapat aniyang isantabi ang pulitika at pagtuunan ang mas mahahalagang isyu.

“We all wish we had better results but, you know, we live to fight another day. At  now it’s time, I think, to put all the politics aside,” ani Marcos.

Inisa-isa rin ng Pangulo ang mga isyu na dapat pag-usapan at inamin na binibilang ang araw na natitira sa kanyang termino upang tapusin ang mga nasimulan na.

“It’s time to put all of the issues that were raised ­during the election and only talk about not political issues but developmental issues, healthcare issues, education issues, agriculture issues, food supply issues, all of these things. Sana naman lagi kong binibilang ang araw na natitira sa term ko at kailangan matapos natin yung mga nasimulan natin,” ani Marcos.

Pinasalamatan din ng Pangulo ang media sa kanilang coverage sa kampanya kasabay ang paghimok sa kanila na tumulong na ipaalam sa publiko ang kanilang trabaho.

“Let’s let people know that we are going to continue to work hard now and put the, as I said, politics aside. It’s a, consider it a distraction for now. Put the politics aside and get on with the work of nation-building,” ani Marcos.

Sa labindalawang kandidato ng Alyansa, ang mga pinalad na nanalo ay sina reelectionist Senator Pia Cayetano at Lito Lapid at senators-elect Erwin Tulfo, Panfilo Lacson, Vicente Sotto III, at Camille Villar.

ALYANSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with