‘Bangungot,’ dulot ng heart disorder

‘Di ng masamang panaginip...
MANILA, Philippines — Nilinaw ng isang espesyalista sa puso na ang pagkamatay sa pagtulog o mas kilala bilang bangungot, ay hindi dulot ng pagkakaroon ng masamang panaginip, at sa halip ay ng isang heart disorder, na tinatawag na ‘arrhythmia’.
Sa ‘Usapang Puso sa Puso’ episode ng Philippine Heart Association (PHA) kamakailan, sinabi ni electrophysiologist Dr. Giselle Gervacio, kasama si PHA Director Dr. Luigi Pierre Segundo, na ang masamang panaginip ay hindi nagdudulot ng sudden unexplained nocturnal death syndrome (SUNDS), o bangungot.
Ito anila ay dulot ng arrhythmia, o iregular na tibok ng puso, na nangyayari kapag ang electrical signals ay hindi maayos na gumagana at may potensiyal na magresulta sa biglaang cardiac arrest.
“Nag-lead iyon sa conclusion na baka arrhythmia kasi ‘yung arrhythmia ay abnormal na tibok ng puso na pwedeng nakakamatay kasi masyadong biglaan,” paliwanag ni Gervacio.
Ayon sa PHA, ang SUNDS o bangungot ay isang syndrome na hindi maipaliwanag na pagkamatay ng isang malusog na indibidwal habang siya ay natutulog.
Karaniwan na umanong naaapektuhan ng naturang kondisyon ang mga young adults sa Asian region.
Sa Pilipinas, marami na ring kaso ng bangungot na naitala.
- Latest