63 winning partylists, ipoproklama ngayon
MANILA, Philippines — Nakatakda na ring iproklama ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Lunes, Mayo 19, ang mga nanalong party-list groups sa katatapos na May 13 midterm elections.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, nasa 63 ang ipoproklama nilang party-list groups.
Isasagawa umano ang proklamasyon dakong alas-3:00 ng hapon sa The Manila Hotel Tent City.
Matatandaang sa katatapos na canvassing ng Comelec, na tumatayong National Board of Canvassers (NBOC), noong nakaraang linggo, ang Akbayan party-list ang idineklarang nanguna sa bilangan matapos na makakuha ng botong 2,779,621.
Pasok din naman sa Top 15 ang Duterte Youth (2,338,564 boto); Tingog Party-list (1,822,708), 4Ps Partylist (1,469,571); ACT-CIS (1,239,930); Ako Bicol (1,073,119); Uswag Ilonggo (777,754); Solid North Partylist (765,322); Trabaho (709,283); CIBAC (593,911); Malasakit @ Bayanihan (580,100); Senior Citizens (577,753); PPP (575,762); ML (547,949); at FPJ Panday Bayanihan (538,003).
Noong Sabado, una nang iprinoklama ng Comelec ang 12 winning senators sa katatapos na midterm elections.
- Latest