Ring of the Fisherman, inilagay ni Cardinal Tagle sa daliri ni Pope Leo XIV
MANILA, Philippines — Si Cardinal Luis Antonio Tagle ang siyang naglagay ng Ring of the Fisherman sa daliri ni Pope Leo XIV, sa idinaos na inagurasyon para sa kanya, bilang ika- 267th Santo Papa ng Simbahang Katolika.
Libu-libong Katoliko ang dumalo sa inauguration mass para kay Pope Leo XIV na idinaos sa St. Peter’s Square sa Vatican kahapon.
Ang Ring of the Fisherman ay simbolo ng awtoridad ng Santo Papa bilang kapalit ni St. Peter, na isang mangingisda at pinuno ng simbahan.
Ang pallium, o vestment naman ay gawa mula sa wool ng tupa, na ipinatong sa mga balikat ni Pope Leo XIV, at sumisimbolo bilang pastol ng Simbahang Katolika.
Bago ang Eucharistic celebration, sa kauna-unahang pagkakataon ay sumakay na rin si Pope Leo XIV sa popemobile at binati ang mga taong naghihintay sa kanya, sa loob ng kalahating oras.
Nagbasbas din siya ng mga sanggol.
Sa kanyang homiliya, hinikayat ng Santo Papa ang mga mananampalataya na ialay ang pag-ibig ng Panginoon sa bawat isa.
- Latest