^

Bansa

Romualdez: P20 bigas na pangako ni Pangulong Marcos natupad na

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naisakatuparan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isa sa kanyang mga ipinangako noong kumandidato na Pangulo ng bansa na ibababa sa P20 ang kada kilo ng bigas, ayon kay Speaker Martin Romualdez.

“This is not a one-time rollout. This is the beginning of a national transformation. President Marcos is showing us that with political will and smart budgeting, P20 per kilo of rice is not just possible -it’s happening,” ani Romualdez.

Nitong weekend ay inilunsad ng Department of Agriculture ang P20 kada kilo na programa ng bigas.

Sinabi ng Speaker na ganap na sinusuportahan ng Kamara ang inisyatiba ni Marcos sa pamamagitan ng paghahanda upang ma-institutionalize ang P20/kilo rice program sa pamamagitan ng 2026 national budget kasabay ang pagtiyak na ito ay magiging isang “sustainable, nationwide policy, hindi lamang isang pilot project.”

“Maglalaan kami ng mga kinakailangang pondo upang palawakin ang programang ito sa buong bansa sa pamamagitan ng 2026 General Appropriations Act. Ang ganitong uri ng ayuda ay nagpapasigla sa lahat - mga mamimili, magsasaka, at ekonomiya,” sabi ni Romualdez.

Sinimulan ng DA ang pamamahagi ng P20 bigas sa mga piling lugar sa pamamagitan ng National Food Authority, gamit ang lokal na pinagkukunang palay mula sa mga magsasaka.

Pinag-aaralan na rin ng Kamara na pagsama-samahin at ihanay ang mga kasalukuyang programa, tulad ng 4Ps, DSWD ood assistance, at Rice Program ng DA, para makabuo ng pinag-isang Rice Assistance Fund.

Ang pondong ito ay magbibigay aniya ng kapangyarihan sa NFA na patatagin ang supply at maghatid ng bigas sa halagang P20/kilo sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

NFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with