Dizon isasalang sa CA sa Hunyo 3
MANILA, Philippines — Nakatakdang humarap sa Commission on Appointments (CA) si Department of Transportation (DOTr) Secretary Vivencio ‘Vince’ Dizon II, kasama ang iba pang bagong itinalagang opisyal ng gobyerno, sa Hunyo 3, isang araw pagkatapos ng sesyon ng 19th Congress.
Muling magbabalik ang sesyon ng Kongreso sa Hunyo 2 pagkatapos ng apat na buwang recess at muling mag-adjourn sa Hunyo 14.
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Dizon bilang pinuno ng DOTr noong Pebrero 21, kasunod ng pagbibitiw ni dating Secretary Jaime Bautista dahil sa health issues.
Dati nang nagsilbi si Dizon bilang Presidential Adviser on Flagship Programs and Projects at namuno sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa ilalim ng Duterte administration.
- Latest