12 waging senador prinoklama na ng Comelec

MANILA, Philippines — Naiproklama na ang 12 nanalong kandidato sa pagka-senador na ginanap sa Tent City, sa Manila Hotel sa Maynila, nitong Sabado, Mayo 17.
Si Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia ang bumasa ng Resolution ng National Board of Canvassers (NBOC) kung saan binanggit isa-isa ang mga nanalo na kinabibilangan nina Bong Go, Bam Aquino, Bato Dela Rosa, Erwin Tulfo, Kiko Pangilinan, Rodante Marcoleta, Ping Lacson, Tito Sotto, Pia Cayetano, Camille Villar, Lito Lapid at Imee Marcos.
Hindi nakadalo si Pangilinan sa proklamasyon dahil nasa Estados Unidos na dumadalo sa graduation ng anak na si Frankie.
Isa-isang nagbigay ng pahayag o moment of speech ang 11 matapos silang indibidwal na iproklama at bigyan ng certificate ng Comelec commissioners
Si Senator-elect Imee Marcos, na unang ipinroklama ay nagpasalamat kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice-Pres. Sara Duterte, hindi sa kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos, sa kaniyang proclamation speech. Sinabi ni Imee na suot niya ang barong ng kaniyang namayapang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., at kasama niya si dating Unang Ginang Imelda Marcos.
Huling iprinoklama ang nanguna sa nanalong senator na si Bong Go.
- Latest