^

Bansa

DOH nakatutok sa tumataas na kaso ng Covid-19 sa Southeast Asia

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
DOH nakatutok sa tumataas na kaso ng Covid-19 sa Southeast Asia
Ayon sa DOH, aktibo silang nakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng mga itinatag na mekanismo tulad ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na nagbibigay ng mga beripikadong impormasyon, upang maging handa, sa kabila ng wala namang dahilan para mag-alala.
BW FILE PHOTO

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Health (DOH) na mino-monitor nila ang trend ng Covid-19 at ang mga napaulat kamakailan na pagtaas ng mga kaso sa partikular na mga lugar sa Southeast Asia.

Ayon sa DOH, aktibo silang nakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng mga itinatag na mekanismo tulad ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na nagbibigay ng mga beripikadong impormasyon, upang maging handa, sa kabila ng wala namang dahilan para mag-alala.

Binanggit ng DOH na sa Pilipinas, naobserbahan ang hanggang Mayo 3, 2025, na may 87% na pagbaba sa mga kaso at pagkamatay mula 2024.

Nasa 1,774 ang mga kaso ng COVID-19 na naiulat ngayong taon kumpara sa 14,074 noong nakaraang taon, ayon pa sa DOH.

Ang fatality rate ay 1.13% lamang. Ang mga kamakailang trend ay nagpapakita rin ng bahagyang pagbaba sa mga naiulat na kaso sa loob ng tatlo hanggang apat na linggo. Mula sa 71 mula Marso 23 hanggang Abril 5, 2025, bumaba ito sa 65 mula Abril 6-19.

“We are committed to keeping the public informed and will provide timely updates should the situation evolve. We encourage everyone to stay informed through official DOH channels, and continue practicing the same preventive measures that protect from other diseases,” ayon pa sa DOH.

Batay sa ulat ng Times of India, muling nagiging headlines sa Asia ang pagtaas ng mga bilang ng Covid-19 na nakaka­alarma partikular sa Hong Kong at Singapore.

DOH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with